Pondo para sa free tuition, tiniyak ng Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Appropriations Chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles na popondohan ng kaniyang komite ang budget para sa universal access to quality tertiary education act.

Ayon kay Nogra­les, maari pang magkaroon ng adjustment sa panukalang national budget ng Malacañang na P3.767 trillion para sa 2018 para maimplementa ang free education program.

Aniya, P8 bilyon ang inilaan para sa Higher Education Support Fund (HESF) para tustusan ang free tertiary education sa State Universities and Colleges kaya walang magiging problema.


Facebook Comments