Pondo para sa hazardous waste management, pinapataasan ng isang kongresista

43

Hiniling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa Kongreso na madagdagan ng budget ang infectious healthcare waste program ng Environmental Management Bureau o EMB sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Garin, ito ay dahil nanatili pa rin na malaking problema ng bansa ang pagtatapon sa tone-toneladang COVID-19 medical waste dalawang taon mula nang tumama ang pandemic.

Sa ilalim ng DENR 2023 proposed budget, P1.22 billion ang nakalaan sa EMB-Environmental Regulations and Pollution Control Program na mas mababa ng 55.7% kumpara sa alokasyon noong 2022 na nasa P2.75-B.


Ayon kay Garin, dahil sa tapyas na pondo ay partikular na apektado ang mga programa ng EMB sa pagpapatupad ng Clean Air Act, Clean Water Act, Solid Waste Management at hazardous waste regulations.

Giit ni Garin, hindi pa napapanahon na bawasan ang pondo para sa mga programa sa healthcare waste dahil nanatiling nasa pandemic ang bansa at patuloy na may tinatamaan ng COVID virus na nangangahulugang nadaragdagan pa rin ang mga basura buhat dito.

Facebook Comments