Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Makato, arestado sa manhunt operation

36
Kalibo, Aklan – Arestado ng mga miyembro ng Makato at Kalibo MPS ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Makato kahapon sa Brgy. Brgy.Bachaw Sur, Kalibo, Aklan. Ang akusado ay kinilalang si Sherwin Reyes, 23 anyos at residente ng Brgy. Dongon West Numancia. Naaresto si Reyes sa ikinasang manhunt operation at sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A 10883 o An Act Providing for a New Anti-Carnapping Act. Nasa P 200,000.00 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Makato MPS si Reyes at nakatakdang iturn-over sa korte.
Facebook Comments