5 pang heneral ng PNP, inilipat ng bagong assignment

48

Binigyan ng bagong posisyon ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan ang limang heneral matapos ang malawakang balasahan sa liderato ng Philippine National Police (PNP) nitong nakaraang linggo.

Itinalaga ni Gen. Cascolan bilang bagong direktor ng Civil Security Group si Police Major General Israel Ephraim Dickson kapalit ni PMGen. Roberto Fajardo na magreretiro ngayong araw.

Nilipat naman sa posisyong binakante ni Dickson na Director for Integrated Police Operations-Visayas si Police Brigadier General Manuel Abu na dating Regional Director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR)

Si Police Brigadier General Samuel Rodriguez naman ang itinalagang bagong Regional Director ng PRO-BAR.

Habang Ipinalit sa dating pwesto ni BGen. Rodriguez na Director ng Information Technology Management Service ay si Police Brigadier General Daniel Mayoni mula sa Directorate for Police Community Relations.

Itinalaga naman si Police Brigadier General Julius Lagiwid bilang Deputy Director for Police Community Relations at si Police Colonel Eric Noble ay itinalaga bilang DPCR Executive Officer.

Matatandaang sinabi ni Gen. Cascolan na ang kanyang pagtatalaga ng mga opisyal ay batay sa prinsipyo na “placing the right person in the right job.”




Facebook Comments