Inihahanda na ng pamahalaan ang pondo para sa pagtanggap ng libo-libong contact tracers para mapabilis ang paghahanap sa mga tao na posibleng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, target ng pamahalaan na mag-hire ng 92,000 hanggang 120,000 katao para sa contact tracing efforts bilang bahagi ng detection at isolation measures.
Tiniyak ni Roque sa publiko na nakapagtayo na ang pamahalaan ng quarantine at isolation centers para sa confirmed, suspect, at probable cases.
Samantala, pinamamadali na rin ng Department of Health (DOH) ang promotion ng FASSSTER, isang web-based disease surveillance platform, para makatulong sa evidence-based at decision-making sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments