Pondo para sa increase sa pensyon ng mga mahihirap na senior citizen, hiniling na ipaloob ng Palasyo sa 2023 budget

Hiniling ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Malacañang na isama sa panukalang 2023 national budget ang P25 billion na pondo para sa pagtaas ng pensyon ng mga mahihirap na senior citizen.

Sinabi ito ni Pimentel kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11916 kung saan dinagdagan ng P500 ang kasalukuyang P1,000 na pensyon ng mahihirap na mga lolo at lola sa bansa.

Ang pondo para sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens ay nakapaloob sa taunang budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Pero diin ni Pimentel, hindi kasama DSWD budget ang salaping kakailanganin para sa pension hike ng 4.1 milyong indigent senior citizen sa bansa.

Giit ni Pimentel, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay malaki ang maitutulong ng pension increase para matugunan ng mga kapos-palad na senior citizen ang kanilang mga pangangailangan tulad ng maintenance medicines.

Facebook Comments