Manila, Philippines – Handa na ang 31 milyong pisong pondo ng Department of Agriculture para bayaran ang mga poultry raisers na naapektuhan ng bird flu outbreak.
Ayon kay Agruculture Sec. Manny Piñol – naipadala na sa region 3 ang pondo at documentation na lamang ang kailangan para maibigay ang pera sa mga apektado ng bird flu.
Samantala, nakatakdang magtungo bukas ang mga tauhan ng D-A para i-audit ang mga manok na dapat bayaran.
May nakalaaang farm mula sa kagawaran na tutukoy kung ano ang dapat bayaran sa bawat poultry farm na tinamaan ng bird flu.
Facebook Comments