MANILA – Tiniyak ni Team Galing at Puso Vice Presidential Candidate Sen. Chiz Escudero na sakaling manalo ay malaking pondong ilalaan sa agrikultura ay para sa mga magsasaka.Ayon kay Escudero, nananatiling mahirap ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng pagsuporta ng pamahalaan pagdating sa imprastruktura, merkado, pinansiyal at repormang agraryo.Inihalimbawa niya ang lagay ng maraming magsasaka sa Isabela na nalulugi dahil sa El Niño at ilang peste sa pananim.Kapag nanalo, maglalagay ang tambalang Poe-Escudero ng anim na pressurized irrigation system at tatlong pump irrigation system open source sa Isabela Province.Sa pamamagitan ng “Gobyernong May Puso”, maglalaan sila ng P300 bilyong pondo sa sektor ng agrikultura.
Facebook Comments