Pondo para sa pagtaas ng pension ng senior citizen, kailangang pagtulungan ng Ehekutibo at Kongreso

Nagpapasalamat si House Deputy Speaker at Batangas Representative Ralph Recto na ganap ng batas ang panukalang magdodoble o magtaas sa 1,000 ng kasaluyang 500 pesos na pension ng mga mahihirap na senior citizen.

Pero isang malaking tanong para kay Recto kung saan kukunin ang mahigit P25 billion na pondo para dito na dapat maipaloob sa 2023 national budget.

Dahil dito ay sinabi ni Recto na kailangang magtulungan ang Ehekutibo at Kongreso para mapondohan ang naturang batas na pakikinabangan ng mahigit apat na milyong nakatatandang benepisyaryo sa bansa.


Ayon kay Recto, ang usapin ay maaring talakayin sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na kanyang inirerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bomgbong” Marcos Jr.

Facebook Comments