DOH, nilinaw na walang dapat ikatakot sa monkeypox virus

55

Nilinaw ni Department of Health (DOH) OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang dapat ikabahala sa monkeypox virus.

Ayon kay Vergeire, nakahanda ang DOH sa monkeypox at walang dapat ikatakot ang publiko.

Kinumpirma rin ng opisyal na ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas ay magaling na at matatapos na bukas ang kanyang isolation.


Magaling na rin aniya ang mga sugat nito.

Una nang tiniyak ng pamahalaan na may bakuna kontra monkeypox virus.

Facebook Comments