Pondo para sa Rehab Center, Dapat Tutukan- Atty. Egon Cayosa!

Cauayan City, Isabela– Kinakailangan umanong bigyang pansin ng pamahalaan ang mga rehabilitation center dito sa ating bansa.

Ayon kay Atty. Aldegundo “Egon” Cayosa, National Vice President ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa naging eksklusibong panayam ng RMN Cauayan, kanyang sinabi na mayroon dapat nakalaang pondo para sa child and rehabilitation center kung isasabatas ang 12 taong gulang na minimum age of criminal liability upang magkaroon ng saysay ang pamamalagi ng mga bata sa rehab center.

Aniya, hindi sapat ang bilang ng mga tauhan ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbantay at mag-aruga sa mga mahuhuling menor de edad kung walang sapat na pondo at maayos na pasilidad sa mga Rehab Center.


Mas mainam din anya na magkaroon ng pagbabago sa buhay ang mga nahuhuling menor de edad upang hindi na muli maisipang gumawa ng krimen.

Nananawagan naman si Atty. Cayosa sa pamahalaaan na pag-aralang mabuti ang mga sistema para sa ikabubuti at pagbabagong buhay ng mga nahuhuling nasasangkot sa krimen.

Nakiusap rin ito sa mga LGU’s na kung maaari ay magkaroon ng “Bahay Pangarap” para sa mga nahuhuling kabataan na pinaniniwalaang pag-asa ng bayan.

Facebook Comments