Manila, Philippines – Pinadadagdagan ni Senator Grace Poe ng 5-bilyong piso ang bangon Marawi fund.
Nais ni Senator Poe na ang nabanggit salapi ay maisama sa un-programmed appropriations sa ilalim ng 2018 general appropriations act.
Ayon kay Poe, ang dagdag na halaga ay magiging bahagi ng inisyal na P20 bilyon pesos na pondong ilalabas ng pamahalaan sa loob ng tatlong taong rekonstruksyon ng Marawi City.
Kaugnay nito ay iginiit ni Senator Poe sa mga economic leaders at miyembro ng cabinet security cluster na simulan na ang master plan para sa rehabilitasyon ng Marawi.
Paalala nito, dapat sakupin ng plano ang lahagt ng dapat ayusin sa Marawi kabilang ang dekalidad na mga pabahay, mga paaralan, ospital, kabuhayan ng mga residente at mas pina-igting na seguridad para hindi na maulit ang karahasan tulad ng inihasik ng teroristang grupong Maute.