Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanapan ng paraan para mapondohan ang pagpapauwi o repatriation ngmga overseas Filipino workers sa ibat-ibang bansa lalo na sa Middle East na may kinakaharap na problema.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangan niya ng kaukulang pondo upang maibigay lang ang kinakailangang tulong sa mga pilipinong patuloy na nagtitiis sa ibang bansa para tuluyan nang makauwi sa Pilipinas.
Bahagi aniya ito ng repatriation program ng pamahalaan kung saan ayon sa pangulo ay gusto niyang may makauuwing distressed OFW araw-araw.
Nabatid na 138 ang mga kababayan nating nakasabay naumuwi ng pangulo mula sa Middle East matapos ang halos isang linggong pagbisitanito sa Qatar, Saudi Arabia at Bahrain.
Facebook Comments