Pondo para sa Right-of-Way, mas malaki sa 2021

Naglaan ng mas malaking alokasyon ang gobyerno para sa ibabayad sa Right-of-Way (ROW) acquisitions sa susunod na taon.

Ayon kay Deputy Speaker Johnny Pimentel, aabot sa ₱27.4 billion ang ROW payments sa 2021 para bigyang daan ang mga public infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build Program.

Mas malaki ang pondong ito kumpara sa ₱20.5 billion na ROW payments ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa taong ito.


Batay sa 2021 National Expenditure Program (NEP), gagastos ang DOTr ng ₱14.8 billion at ang DPWH ng ₱12.6 billion para sa Right-of-Way.

Nakasaad sa Republic Act 10752 na maaaring kunin ng gobyerno ang mga private real properties na kakailanganin sa pagtatayo ng mga ROW site o proyekto sa pamamagitan ng donasyon, pagbili o pagbenta, expropriation, at iba pang paraan na itinatakda ng batas.

Ilan sa mga itatayong imprastraktura na maaapektuhan ng ROW ay ang North-South Commuter Railway, South Long Haul ng Philippine National Railways (PNR), Cebu International Container Port na proyekto ng DOTr gayundin ng mga expressways, flyovers, mga tulay at flood control projects ng DPWH.

Facebook Comments