Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) pondo para sa second tranche ng ₱500 na ayuda sa mga pinakamahihirap na sektor, na una nang ipinangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, base sa impormasyon mula sa kanilang Finance Management Service, pwede ng ipamahagi sa mga susunod na araw ang second tranche ng cash assistance.
Sa nauna nang yugto ng pamamahagi nito, ay pinagsabay na ang unang dalawang buwan ng pinansyal na tulong o kabuuang P1,000.
Matatandaang ipinangako ni Pangulong Duterte na bibigyan ng P500 kada buwan ang pinakamahihirap na Pilipinong apektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa loob ng tatlong buwan.
Samantala, sinabi naman ni Tulfo na iimbestigahan ng DSWD halos P2 billion halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy na hindi naipamahagi ng ahensya para sa mga benepisaryo nito batay sa 2021 annual audit report ng Commission On Audit (COA).