330% congestion sa piitan ng BuCor, kinumpirma ni DOJ Sec. Remulla

51

Kinumpirma ni Justice Sec. Crispin Remulla na may 330% na congestion sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Remulla, sa maximum securty compound pa lamang ng New Bilibid Prison (NBP) ay 17,000 inmates na ang nakapiit.

Ito ay mula sa 6,000 na nararapat lamang na kapasidad nito.


Tiniyak naman ng kalihim na pinaplantsa na nila ang hakbangin para mapaluwag ang mga piitan.

Facebook Comments