Hindi pa malaman kung saan manggagaling ang kabuuang pondo para sa Special Risk Allowance (SRA) na ibibigay sa mga healthcare worker.
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Health kahapon, sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na walang nabanggit na SRA sa panukalang budget ng Department of Health (DOH) para sa 2022 budget.
Agad naman itong sinagot ni Health Secretary Duque at sinabing imbes na sa Bayanihan 3 ay sa 2022 National budget nakapaloob ang panukalang pondo.
Sa tanong naman kung saan kukuhanin ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, sinabi ni Duque na huhugutin na lamang ito sa “unprogrammed funds” na ₱45 billion para sa COVID-19 booster shots.
Matatandaang una nang nakapagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ang P311.8 million pondo para sa SRA ng mahigit 20,000 health workers.