Pondo para sa SRA ng mga health workers, lalabas na

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order para sa mahigit P311.7-million na Special Risk Allowance (SRA) ng mahigit 20,156 mga healthcare workers sa bansa.

Ayon kay Duque, ibababa na ang pondo sa regional offices ng DOH bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang SRA sa mga healthcare workers sa loob ng sampung araw.

Gayunpaman, ayon kay Duque, sa kasalukuyang guidelines, ang mga healthcare workers na may direct contact sa COVID-19 patients ang makatatanggap ng SRA.


Paliwanag ni Duque, kailangan ng batas para mabigyan ng special risk allowance ang lahat ng health workers sa harap ng patuloy nating laban sa pandemya.

Tiniyak naman ni Senator Richard Gordon at Senator Sonny Angara na maghahain sila ng panukalang batas tungkol dito para lahat ng health workers ay maging karapat-dapat sa SRA.

Facebook Comments