Umaapela ang Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Kongreso na dagdagan ang pondo para sa “fertilizer subsidy” ng mga lokal na magsasaka.
Sa joint hearing ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Trade and Industry, sinabi ni DA Usec. Fermin Adriano na karaniwang imported ang mga abono tulad na lamang sa China.
Tinukoy rin na mataas ang presyuhan ng mga abono sa pandaigdigang-merkado dahil sa mataas na demand.
Tinatayang aabot sa P8 billion ang kailangan na pondo para sa subsidiya sa abono.
Dagdag ni Adriano, nababahala ang ahensya na maaaring maapektuhan ang produksyon ng palay at mais sa bansa kung hindi matutugunan ang kakapusan sa pondo para sa subsidiya sa abono o kapag kakaunti ang fertilizer usage.