Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang paglalaan ng pondo sa Zero Hunger Bill na layong tugunan ang problema ng kagutuman sa bansa.
Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, Chairman ng nasabing komite, kampante siyang makakamit ng bawat Pilipino ang right to adequate food sa pamamagitan ng pagbalangkas ng framework sa mga concerned agencies na magpapatupad ng `zero hunger` policy.
Layon na makamit ang zero hunger incidence sa bansa sa loob ng sampung taon.
Bukod dito, layunin din na maibaba ang kagutuman sa bansa ng 25% sa loob ng dalawa’t kalahating taon sa oras na maging ganap na batas.
Itatatag din ang Commission on the Right to Adequate Food na siyang titiyak na may sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino.
Batay sa tala ng SWS, bumaba sa 11.9% ang mga Filipino households na nakakaranas ng gutom sa unang quarter ng taon kumpara sa last quarter noong 2016 na nasa 13.9%.