Manila, Philippines – Makatatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng P25 million na medical assistance kada buwan mula sa Malacañang.
Ito ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, ay makaraang aprubahan kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang medical assistance para sa PNP.
Aniya, ang pondong ito ay partikular na gugugulin para sa mga gamot na kakailanganin ng mga pulis.
Nilinaw naman ni Go na ang naturang ayudang medical ay bukod pa sa gagawing paga-upgrade ng PNP General Hospital sa loob ng Kampo Crame.
Binigyang diin ni Go na gusto ng Pangulo na ma-modernize ang PNP hospital gaya ng ginawa sa V. Luna Hospital na nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Facebook Comments