Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Health Secretary Francisco Duque III na isantabi na ang planong pagkuha ng mahigit 130,000 COVID-19 contact tracers.
Mungkahi ni Sotto, ang pondong P11.7 billion para rito ay makabubuting gamitin na lamang na pambili ng mga gamot at medical equipment para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Paliwanag ng senador, baka masayang lang ang nabanggit na salapi sa kukuning mga contact tracer na hindi naman marunong o walang pagsasanay sa nabanggit na trabaho.
Suhestiyon naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, para hindi na gumastos nang malaki ang gobyerno ay pwedeng pakilusin sa contact tracing ang halos 400,000 mga Barangay Health Workers (BHWs) at mga magulang na leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).