Pondo sa quick response fund ng ilang ahensya, maaaring i-tap para sa Bagyong Odette

Inirekomenda ni Deputy Speaker Isidro Ungab na i-tap o gamitin ang natitira at available pa na pondo ng Quick Response Fund (QRF) ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Tinukoy ng dating Appropriations Chairman na makakatulong ito para makalikom ng kinakailangang P10 billion para pantulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo tulad na rin ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iminungkahi ni Ungab na maaaring gamitin ang natitirang QRF ng iba’t ibang tanggapan para sa reconstruction at rehabilitation ng mga lugar na sinira ng bagyo.


Maaari rin itong gamitin pa para sa pre-positioning ng mga pagkain at kagamitan na kailangan para sa relief at assistance ng mga biktima ng kalamidad.

Kung sakaling available pa ang mga QRF ng ilang ahensya ng pamahalaan, makakaipon ang gobyerno ng higit P7 billion para sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

Facebook Comments