Posibleng maging available sa susunod na buwan ang ₱73 billion na gagamitin sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., inaasahan na bago ang Disyembre 15 ay magiging available na ang kakailanganing pondo para sa mga bakuna.
Mula sa nasabing halaga, nasa ₱40 billion ang kinuha mula sa multilateral agencies tulad ng World Bank, ₱20 billion mula sa domestic sources tulad ng LandBank at tinatayang ₱13.2 billion mula sa bilateral agreements kasama ang mga bansa na nagde-develop sa mga bakuna.
Una nang sinabi ni Galvez na nakikipagnegosasyon na ang Pilipinas para makakuha ng 60 million doses ng COVID-19 vaccine sa susunod na taon.
Kabilang dito ay ang manufacturers na Sinovac, AstroZeneca, Johnson & Johnson at Pfizer.