31 PNP Personnel, nadagdag sa bilang ng positibo sa COVID-19

42

Nadagdagan na naman ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) Personnel na nagpositibo sa COVID-19

Batay sa ulat ng PNP Health Service, kahapon panibagong 31 PNP personnel ang nadagdag sa mga naging infected ng virus.

Kaya naman umaabot na sa kabuuang 7,979 ang COVID cases sa PNP.


Ang 31 na mga bagong positibo, walo naitala sa PNP Cordillera, lima sa National Capital Region Police Office (NCRPO), apat sa PNP Region 4A, tatlo sa PNP Region 2, tig-dalawa sa PNP Region 3 at PNP Region 7.

Tig-iisa naman ay naitala sa National Headquarters, National Operational Support Unit (NOSU), PNP MIMAROPA, PNP Region 6, PNP Region 8, 9 at 13.

Good news naman dahil mas marami kahapon ang gumaling kumpara sa bilang ng bagong mga nagpositibo.



Nasa 35 ang mga bagong gumaling kaya umabot na sa 7,554 ang recoveries sa hanay ng PNP.

May 26 naman na pulis ang namatay dahil sa COVID-19.


Facebook Comments