Pondong inilaan sa mga corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects, pinalilipat sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Ulysses

Planong ilipat ni Senator Panfilo Lacson ang budget sa pinondohang corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects ng Kamara sa ilalim ng 2021 budget.

Ire-realign ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga Local Government Units (LGU) na hinagupit ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Lacson, sa P68 billion allocations na natukoy na kuwestiyunableng proyekto na inaprubahan ng Kamara, P20 billion dito ay isusulong niya para para pondohan ang rehabilitasyong gagawin sa mga LGUs.


Habang ang iba pang kwestyunableng pondo ay dapat na mailipat sa national broadband program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Una nang ibinunyag ng senador ang hindi patas na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista na ang pinakamalaki ay mula sa distrito sa Davao, Benguet, Albay at Abra.

Matatandaan na ginawang isyu sa gitna ng girian sa Speakership post ang pagpabor umano ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa ilang mga mambabatas pagdating sa infrastructure projects.

Mismong mga kaalyado ni ngayo’y Speaker at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep. Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon ang nag-akusa kay Cayetano ng hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget.

Facebook Comments