Pondong kailangan ng PhilHealth sa 2026, pinatitiyak ng senado

Iginiit ni Senator Loren Legarda na ibalik sa PhilHealth sa 2026 ang mga pondong kailangan para maisakatuparan ang mandato sa ilalim ng batas.

Sa interpelasyon ni Legarda sa Department of Health (DOH) budget, iginiit niya na kulang ang pondong ibinigay sa PhilHealth mula 2024, 2025 at maging sa 2026.

Tinuligsa ng senadora ang insidente noong 2024 kung saan ginamit umano ng Department of Finance (DOF) ang reserves ng PhilHealth habang noong 2025 ay tuluyan nang tinanggalan ng subsidiya ang ahensya.

Hiningi ng senadora ang detalye kung saan napunta ang mga pondong para sana sa PhilHealth at anong paraan ang magagawa para maibalik pa ito.

Sa ilalim ng 2026, mula sa P53.262 billion na PhilHealth budget sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) tumaas ito sa P113.262 billion matapos na idagdag dito ang P60 billion na excess fund na ipinababalik ng Pangulo para sa PhilHealth.

Facebook Comments