Pondong nalikom mula sa donasyon ng publiko, tiniyak na hindi masasayang ng AFP

Manila, Philippines – Inihayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier general Restituto Padilla na bubuo sila ng isang komite na siyang mangangasiwa sa pondo na nakalap mula sa mga donasyon ng publiko para sa mga Sundalo at sa mga residenteng naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.
Sinabi ni Padilla, pangunahing layunin ng bubuuing komite ay tiyakin na magiging maayos ang paggastos ng nalikom na pondo at tiyakin na napupunta ito sa dapat puntahan.
Base aniya sa pinaka huling impormasyon na kanilang natanggap ay umabot na sa mahigit 3 milyong piso ang nalikom na donasyon para sa mga sundalong namatay at nasugatan sa bakbakan at nasa mahigit 700 libo naman ang nalikom na donasyon para sa mga IDP o internally displaced people.
Tiniyak ni Padilla na gagamitin sa tama ang pondong nalikom at hindi mapupunta sa bulsa ng kung sinoman.

Facebook Comments