Naglabas ng komento si Atty. Larry Gadon sa pasiya ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay ng Marcos-Robredo election protest.
Aniya, dapat nang palitan si Associate Justice Marvic Leonen bilang ponente sa Marcos-Robredo election protest.
Sa isang statement, sinabi ni Gadon na nagtataka siya dahil 11 buwan o halos isang taon na magmula nang hinawakan ni Leonen ang kaso, pero ngayon lang ito umaksyon at ang tanging nagawa nito ay pagkomentuhin ang Commission on Election (COMELEC) at Office of the Solicitor General.
Aniya, bago kasi nagretiro ang dating ponente na si Justice Benjamin Caguioa ay gusto nitong ipabasura ang protesta ni Marcos.
Pero, tinanggihan ito ng lahat ng mahistrado at iniutos na suriin ang lahat ng dapat makita at matalakay ang lahat ng ebidensya.
Taong 2019 nang i-assign ng PET kay Leonen ang paghawak sa electoral protest.