Pooled testing sa low risk sa COVID-19, inaprubahan na ng DOH

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang pooled testing para sa mga taong may low risk ng COVID-19 infection.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, alinsunod sa guidelines ng DOH, maaaring pagsama-samahin ang swab sample ng hanggang limang tao na low risk sa virus at susuriin sa iisang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kit.

Sa pamamagitan nito, mapapababa aniya ang bayad sa COVID test at magagamit din ito ng mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).


Batay sa susunding sistema, kapag naging negatibo ang resulta sa pooled testing, nangangahulugan itong negatibo sa virus ang lahat ng magkakasamang sinuri.

Pero kapag nagpositibo ang resulta nang pooled testing, kakailanganin muling sumailalim sa pagsusuri ang mga ito.

Facebook Comments