Pooled testing sa mga barangay na isasailalim sa localized lockdown, target isagawa ng pamahalaan

Target ng pamahalaan na simulan na ang pooled testing sa mga barangay na isasailalim sa localized lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bina-validate na ng Department of Health (DOH) ang resulta ng pilot study ng pooling method.

Pinagsama sa method na ito ang 10 samples para sa single test.


Sa ilalim ng pooled testing, ang samples na makokolekta mula sa grupo ng mga tao ay susuriin “in a batch” gamit ang isang test.

Inaasahan naman na tataas ang testing capacity ng bansa gamit ang kaunting resources.

Facebook Comments