‘POOR COMPREHENSION’ | Kris Aquino, bumanat sa basher na pumuna sa wish niyang makatrabaho si Alden Richards

Manila, Philippines – Nakatikim ng banat mula kay Kris Aquino ang isang netizen na pinuna ang pagnanais niyang makatrabaho sa isang acting project si Alden Richards.

Nitong Huwebes, December 28, nag-post si Kris sa kanyang instagram ng video kung saan sinabi niyang fan siya ng Pambansang Bae.

Dito rin siya nabanggit ang wish niya sa 2018 na makatrabaho si Alden kung saan bet daw niya ang role nila bilang mag-ina.


Nag-comment naman dito ang netizen kung niya sinabihang “Majonda” (Matanda) si Kris at mag-alaga na lang ng kanyang mga anak.

Sa banat naman ni Kris, pinuna niya ang aniya’y “low comprehension skills” ng netizen.

Paglilinaw ni Kris, gumanap na ina ni Alden ang kanyang dream project.

Dagdag pa niya, wala siyang pakialam sa intelligent criticism pero hindi niya palalampasin ang poor comprehension.

Facebook Comments