Borders ng Saudi Arabia, bubuksan na sa May 17

40

Aalisin na ng Saudi Arabia ang suspensyon sa pagbiyahe ng kanilang mga mamamayan sa ibang bansa sa Lunes, May 17.

Ayon sa interior ministry ng Saudi, bubuksan na nila ang kanilang land, sea at air borders.

Kasama sa papayagang bumiyahe ay ang mga mamamayan nito na nakatanggap na ng kumpletong COVID-19 vaccines o isang shot ng bakuna dalawang linggo bago ang pagbiyahe at mga gumaling sa COVID-19 sa nakalipas na anim na buwan.


March 2020 pa nang unang ipagbawal ng Saudi ang pagpasok at paglabas sa bansa ng mga mamamayan nito simula nang kumalat ang virus sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments