POPE FRANCIS, HUMINGI NG TAWAD SA LGBTQIA+

CAUAYAN CITY – Humingi ng tawad si Pope Francis matapos lumabas ang balitang gumamit ito ng offensive word para sa mga “gay men” sa isang closed-door meeting.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga Italian bishops sa Vatican, nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa pagtanggap sa nasabing kasarian sa Catholic seminaries bilang paghahanda sa priesthood.

Ang ideyang ito ay kinontra ni Pope Francis dahil marami na raw “frociaggine,” isang offensive Italian term.


Sa naging pahayag ni Matteo Bruni, Director ng Vatican Press Office, walang intensyon si Pope Francis na maka-offend o makasakit ng sinoman.

Dagdag pa nito, ilang beses na rin umanong binanggit ng Santo Papa na bukas ang simbahan para sa lahat.

Facebook Comments