Maituturing ni Pope Francis na isang paglabag sa karapatang pantao ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon hinggil sa COVID-19.
Ito na ang pangalawang beses na nagpaalala si Pope Francis tungkol sa naturang usapin.
Aniya, dapat hindi mangibabaw ang mga naniniwala sa fake news at mangibabaw pa rin ang siyensiya.
Nagbigay rin ng malaking suporta ang Santo Papa sa isinasagawang national immunization campaign at nanawagan ito ng health care bilang moral obligation.
Matatandaang kinondina ni Pope Francis ang “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccine.
Facebook Comments