Pope Francis, magdaraos ng peace retreat para sa mga pinuno ng South Sudan

Pangungunahan ni Pope Francis ang isang “spiritual retreat” para sa mga pinuno ng South Sudan sa susunod na linggo sa Vatican.

Ayon kay Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, nais tulungan ng Santo Papa ang mga pinuno ng nahating bansa para makabuo ng kasunduan na naglalayong tapusan na ang civil war sa Sudan.

Kasama sa peace retreat sina Sudanese President Salva Kiir, First Vice President at former Rebel Leader Riek Machar at apat pang mga opisyal ng Sudan, bukod pa sa mga Cardinal ng Vatican.


Sumiklab ang civil war sa oil-producing na bansa noong 2013 matapos na lumala ang alitan nina Kiir at Machar na nagbunsod sa pagkakasawi ng mahigit 400,000 katao.

Facebook Comments