Sweet pictures nina Kylie Versoza at Jake Cuenca, pinag-piyestahan sa social media

Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang sweet at sexy pictures nina 2016 Miss International Kylie Versoza kasama ang hunk actor na si Jake Cuenca.

For the first time kasi ay nagbahagi na ng mga litrato si Kylie na kasama si Cuenca.

Sa Instragram post ng beauty queen – makikita ang mga sweet pictures nila ni Jake sa isang beach kung saan naka-topless ang aktor habang kitang-kita ang kaseksihan ni Kylie sa kanyang two piece.


Dahil sa mga nasabing litrato, mas lalong ini-intriga ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Noong Marso a-diyes, naispatan ang dalawa na magka-date sa isang concert sa Alabang.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pag-amin ang dalawa.

Facebook Comments