Ikinababahala ni Pope Francis ang sitwasyon sa Ukraine bunsod ng pananakop ng Russia.
Ito ay matapos ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang peacekeeping forces’ na pasukin na ang dalawang rehiyon sa Ukraine.
Ayon sa Santo Papa, ang nakakaalarmang sitwasyon sa Ukraine ay nagiging banta na rin sa kapayapaan ng lahat.
Aniya, umaapela siya sa lahat ng sangkot na partido na umiwas sa anumang aksyon na maaaring magdulot ng higit pang pagdurusa para sa populasyon.
Umaasa rin ang Santo Papa na kasabay ng Ash Wednesday na pagsisimula ng Kuwaresma ay maging araw ito ng pag-aayuno, pagninilay at pagdarasal para sa kapayapaan.
Facebook Comments