Kamara, nagsagawa ngayong araw ng COVID-19 booster shot vaccination

Nagsagawa muli ngayong araw ng COVID-19 booster shot vaccination ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa abiso ng CongVax ng Kamara, tulad sa mga nakalipas na pagbabakuna, ito ay isasagawa sa pamamagitan ng “drive-thru vaccination” sa North Multi-level Steel Parking sa compound ng Batasan Pambansa.

Bukod sa mga kawani, mga kongresista at mga nag-oopisina sa Batasan Complex, kasama rin sa nabigyan ng booster shots ang kanilang mga dependents.


Moderna booster ang available na supply para sa naturang pagbabakuna ng booster.

Pinayuhan naman ng CongVax na samantalahin ng mga kongresista at staff, mga kawani at kani-kanilang dependents ang booster shot vaccination ng Kapulungan na makakatulong laban sa COVID-19.

Facebook Comments