Nagbigay pugay si Pope Francis sa mga frontliners partikular sa mga doktor, nars at mga pari na itinataya ang kanilang mga buhay para patuloy na labanan ang coronavirus.
Sa isinagawang Holy Thursday mass sa St. Peter’s basilica, tinawag ng Santo Papa na “The Saints Next Door” ang mga frontliners na hinaharap ang nararanasang COVID-19 sa iba’t-ibang bansa sa mundo.
Samantala, hindi muna isinagawa ng Santo Papa ang washing of feet na kalimitang dinadayo ng 10,000 mananampalataya, kabilang ang mga cardinal at bishop dahil sa restriksyon dulot ng nakahahawang sakit.
Bukod pa dito ay ipinatupad nadin ang social distancing sa mga kasama ng Santo Papa sa misa.
Sa ngayon ay nakapagtala na ng pinakamaraming nasawi ang Italya dahil sa virus kung saan umabot na ito sa mahigit 18,000 katao habang higit 100 sa nasawi ay mga doktor.