Pope Francis, nagkasugat matapos mauntog sa sasakyan

World – Nagkasugat sa kanyang kilay si Pope Francis matapos mauntog sa kanyang pope mobile sa Cartagena, Colombia.

Sa report, nakatayo ang Santo Papa sa isang parada at kumakaway sa mga tao nang biglang nag-preno ang sasakyan.

Dahil sa insidente – nauntog ang santo papa sa salamin ng sasakyan at nasugat ang kanyang kaliwang kilay.


Agad nilapatan ng first aid ang Santo Papa at tuloy lang ang kanyang schedule sa Colombia.

Facebook Comments