Pope Francis, nagtalaga ng 3 Pilipinong pari bilang “missionaries of mercy”

Nagtalaga ng tatlong Pilipinong pari si Pope Francis bilang “missionaries of mercy.”

Ito ang kinumpirma ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang mga bagong appointees ay mula sa Diocese ng Balanga sa Bataan.


Ito ay sina Fr. Jhoen Buenaventura, Fr. Joseph Quicho, at Fr. Jesus Navoa.

Makakatanggap sila ng instructions at communications mula sa Pontifical Council for Promoting New Evangelization (PCPNE), na pinamumunuan ni Archbishop Rino Fisichella.

Ang pagtatalaga ng “missionaries of mercy” ay sinimulan noong 2016 kung kailan idineklara ang Jubilee Year of Mercy kung saan pumipili si Pope Francis ng special ambassadors mula sa iba’t ibang bansa.

Ipinapadala ang mga ito para magturo ng Salita ng Diyos, pangunahan ang spiritual retreats, at pakinggan ang kumpisal ng dioceses.

Facebook Comments