Pope Francis, nagtalaga ng bagong Apostolic Nuncio para sa Pilipinas 

COURTESY: VATICAN NEWS

Itinalaga ni Pope Francis bilang bagong Apostolic Nuncio para sa Pilipinas si Archbishop Charles John Brown. 

Ito ang kinumpirma ni acting Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Caloocan Bishop Pablo David kung saan isinapubliko aniya ito ng Vatican kahapon. 

Inordinahan bilang pari si Archbishop Brown noong 1989 at naging opisyal ng Congregation for the Doctrine of Faith sa Vatican mula 1994. 


Bago italaga sa Pilipinas, nagsilbi rin muna bilang Apostolic Nuncio si Brown sa Ireland at Albania. 

Pinalitan ni Brown si Archbishop Gabriele Caccia na itinalaga naman ng Santo Papa bilang permanent observer sa United Nations sa New York noong Nobyembre ng nakaraang taon. 

Ang Apostolic Nuncio ay nagsisilbi bilang ambassador mula sa Vatican City na itinalaga at kumakatawan sa Santo Papa. 

Facebook Comments