‘Popeyes’ fried chicken, nasa Pinas na

Image via Popeyes Louisiana Kitchen @popeyeslouisianakitchen on Instagram

Nagbukas na ang unang branch ‘Popeyes’, isang sikat na chicken chain sa Estados sa Arcovia City sa Pasig nitong Miyerkules, Mayo 16.

Kaagad namang pinilahan at pinagkaguluhan ang Popeyes dahil sa hindi mabigat sa bulsa na presyo.

Bestseller nila ang Louisiana fried chicken , biscuits (P150), chicken tenders (P125) at cajun fries (P42) na hindi lahat tataas sa halagang P500.


Meron din silang spaghetti (P66), chicken french quarter burger (P165), at shrimp burger na (P149).

Sa pamamagitan ng partnership ng Kuya J Group at Canadian company Restaurant Brands Inc., matitikman na ng mga Filipino ang nag-iisang Popeyes fried chicken ng US.

Facebook Comments