Toni Gonzaga hindi alam kung bakit invited sa Malacañang dinner

494
Image via Instagram/celestinegonzaga

Inamin ni Kapamilya host at actress Toni Gonzaga na hindi niya alam ang dahilan kung bakit sila inimbitahan sa inorganizang dinner ng Malacañang nitong nakaraang linggo.

Ayon pa sa kanya, nagulat sila ng ibang kasamahan sa showbiz industry nung magkita-kita sa Palasyo.


“Lahat kami nagkagulatan na, ‘Invited ka pala, invited ka pala.’ Kasi it was such a private invitation na hindi namin alam kung sino ‘yung mga makakasama namin,” sabi ni Gonzaga sa press conference ng Home Sweetie Home kagabi.

Dagdag pa niya, “hindi rin namin alam kung bakit kami ‘yung mga napili na dumating because I wasn’t active during the whole campaign nung presidential, hindi ako nangampanya. Kaya nagulat din ako.”

Hinala niya, si Robin Padilla ang dahilan kung bakit sila pinapunta sa dinner na pinangunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at common-law wife Honeylet Avanceña.

“Ang alam ko lang, siguro na-invite kami dahil kay kuya Robin.”

Kasama din niya sa thanksgiving dinner ang asawang si Direk Paul Soriano at kapatid na si Alex Gonzaga. Ilan sa dumalong artista ay sina John Lloyd Cruz, Mariel Padilla, Cesar Montano, Katrina Halili, Ryan Bang, at Vhong Navarro.




Noong nakaraang linggo, sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na pasasalamat niya ang nasabing piging para sa mga taong sumuporta sa kanya mula 2016.

Facebook Comments