Manila, Philippines -Para kay Vice President Leni Robredo, hindi dapat ituring na basehan ang popularidad ng isang kandidato para piliin ito ng mga botante at iboto sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Ito ay matapos pagdudahan ng bise presidente ang pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey kung saan hindi nakapasok sa top 12 ang mga pambato ng Otso Diretso.
Ayon kay Robredo – matindi ang pagsasala at debateng isinagawa bago sila nakapili ng bubuo ng opposition slate.
Tiwala rin si Robredo sa potensyal ng bawat kandidato ng oposisyon.
Dapat aniya piliin ng mga botante ang matino, mahusay at may paninindigan.
Pero aminado ang bise presidente na mahirap i-endorso sa publiko ang mga hindi kilalang kandidato lalo na at kulang ang resources sa kampanya.