Pantalan at bus terminal, dinadagsa na rin ng mga uuwi ngayong Semana Santa

29

Inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga pasaherong darating sa Araneta Center Bus Terminal sa mga susunod pang araw.

Ayon kay Ramoncito Legazpi, manager ng Araneta Center Bus Terminal – kasalukuyang aabot na sa halos 3,000 pasaherong dumadagsa sa mga bus port.


Aniya, inaasahang aakyat pa ito sa 4,000 hanggang 5,000 pasahero.

Kasabay nito, libu-libong biyahero na rin ang mga nasa sa mga pantalan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa higit 80,000 ang total outbound passengers ang huling naitala.

Pinakamaraming pasahero ang naitala sa Central Visayas na nasa 11,965 passengers, sumunod ang Western Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Palawan, Bicol, Southern Visayas, South Western Mindanao, South Eastern Mindanao, NCR-Central Luzon, Eastern Visayas, North Eastern Luzon, North Western Luzon.

Facebook Comments

From Advertisers