Popularidad ni Manny Pacquiao bilang boksingero at pulitiko, nakataya sa laban nila ni Jeff horn

Manila, Philippines – Nakataya ang popularidad ni Manny Pacquiao bilang world boxing champion at pulitiko sa nalalapit na laban nito kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia sa July 2.

Ayon sa sports analyst na si Danrex Tapdasan, posible kasing bumaba ang popularidad ni Pacquiao sakaling matalo ito at maapektuhan maging ang impluwensya niya sa pulitika.

Aniya, dapat sikapin ng pambansang kamao na matalo si Horn sa pamamagitan ng knockout lalo’t itinuturi ito na pinakamalaking laban sa australian boxing history na tinatawag ngayong “Battle of Brisbane”.


Samantala, una nang tiniyak ni Pacquiao na magiging magandang laban ang pagtutuos nila ni Horn sa boxing ring.

Umapela rin ito ng dasal sa lahat ng kanyang supporters.

Facebook Comments