Populasyon ng bansa na mababakunahan ngayong 2021, aabot lamang sa 50% hanggang 60%

Aminado si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na 50 hanggang 60 percent lamang ng populasyon ang kayang mabakunahan kontra COVID-19 ngayong 2021.

Ayon kay Galvez, mababa ito sa high-end target na 77 milyong Pilipino o 70 porsyento ng populasyon na kailangan para makamit ang herd immunity.

Aniya, aabot pa lang sa higit 27.3 milyon ang nakakumpleto ng bakuna habang nasa 31.9 milyon ang nabigyan ng unang dose.


Umaasa naman si Galvez na bibilis ang pagbabakuna sa bansa kapag nagbukas na ang COVID-19 vaccination sa kabataang edad 12 pataas na walang comorbidity.

Inaasahan din ng gobyerno na magsusumite na rin ang Pfizer ng aplikasyon para magamit ang COVID-19 vaccine nito pati sa mga edad 5 hanggang 11.

Facebook Comments