Posibleng pumalo na sa 1.37 bilyon ang kabuuang bilang ng populasyon sa China ngayong taon.
Ito ang naging pagtaya ng mga otoridad sa China kung saan muling sisinimulan ang pagkuha ng census matapos ang sampung taon.
Aabot sa 7 milyong census workers ang ipapakalat ng gobyerno ng China na mag-iikot para kumuha ng mga impormasyon tulad ng pangalan, ID numbers, gender, marital details, education at professional records na sisimulan sa unang araw ng Nobyembre.
Bukod dito, hinImok ng mga otoridad ang mga residente sa China na gumamit ng mga cellphones at iba pang digital tools para ibahagi ang kanilang personal at family information.
Ipinaliwanag din ng mga opisyal sa China na kanilang ipagpapatuloy ang pagkuha ng census kahit pa may COVID-19 pandemic kung saan sa huling datos ng ministry of health ay kumokonti na ang bilang ng nahahawaan ng sakit.